Thursday, August 20, 2009

M O N U M E N T O


SALAMAT CORY





Finally! President Gloria Macapagal Arroyo approved Cory Aquino's monument in Luneta. Ayos ba? tama po... gagawan nang monument si late Pres. Cory Aquino sa Luneta, ayon sa isang tagapagsalita sa Malacanang. aabutin nang mga 6 months para matapos ito. Sana naman hindi na ito maging issue at hindi mahaluan nang pampupulitika. Nakakalungkot rin isipin na baka napagawan nga nang monumento ang ating yumaong mahal na pangulong Aquino eh gawan pa nang anumalya, kagaya nang sobrang budget para dito. diba? hindi naman sa masamang magisip o anuman pero posibleng mangyari ito, pagkakakitaan pa diba.. nakakalungkot naman isipin kung ito'y mangyayari. Sana huwag managyari to, salamat na rin sa ating Pangulong Arroyo na gagawan niya nang isang magandang ala-ala ang ating Pangulong Aquino na magsisilbing pagpapa-alaala sa bawat pilipino kung anung kanyang nai-ambag sa ating inang bayan, lahat nang sakripisyo at tulong niya sa atin. MABUHAY KA PANGULONG CORAZON AQUINO!!! SALAMAT PO AT SANA'Y PATULOY NINYO KAMING GABAYAN!

Tuesday, August 18, 2009

BOY TAMBLING




Hey Guys! just want to share with you this unforgettable downhill experienced with my bike buddies. :) Tagaytay down to Laurel Batangas.


Unang-Una ako yung sumemplang sa video na yan. hahaha! Nung una nanghihinayang pa kong bumili nang helmet dahil nanghihinayang ako.. 5,300 php, yun pala malaking parte nang buhay ko ang gagampanan niya. hahahaha! kung hindi dahil sa helmet na yan, hindi ko magagawa ang blog na ito. hehe! ang tambling ko na una ulo ay walang kasing galing... ayos! hehe ... kulet nga eh.. pagtayo ko galing sa semplang nagpalakpakan pa ang mga kaibigan ko.. ang babait nila dba? :) hehe.. pero masaya talaga ang pangyayaring ito. lubog sa putik, sobrang dungis, lahat! :) at ang best part after sa almost 6 hrs. pababa nang bundok kumaen kami sa isang lomihan, at ang sarap niya pramis... ang serving ay good for two pero lahat kami may kanya kanyang order. haha :) at para makabalik kami sa tagaytay ay kailangan pang mag arkila nang jeep para sa bikes at isa pang jeep para sa mga tao... at ang biyahe... almost 1 hour and 30 mins. paakyat. nakasakay kana sa jeep nun ah.. tsktsk :) at habang kami ay nasa jeep, nagtatagayan nang REDHORSE :) woot! wooot! haha.. sarap dba.. after nang pagod puro na sarap.. hehe.. pauwi sumabay ako sa van ni Balot ( Paolo Lorenzana ). Siya ang nag drive at bilang kunswelo sa kanya, nag drive thru pa kmi sa Jollibee at treat ko siyempre, sabi ko drive thru para hindi kmi antukin sa biyahe, at di pa kami nakakalabas nang Santa Rosa ay TULOG NA KO. ahahahaha! :) ayos ba? at kinabukasan ay trinangkaso na ko.. hehe ... Sana sa mga nagba-bike dyan.. subukan niyo ito.. ibang klaseng experience sa pagba-bike.. galing! :) sa uulitin.. ;)

Monday, August 17, 2009

P A D Y A K


PADYAK

Ayos ba? Gusto ko lang ishare sa inyo ang buhay bisikleta. Anu bang meron bakit maraming nababaliw sa bisikleta? Bakit kahit saan lugar sa buong mundo ay nagamit nito. Halika't iyong silipin kung anung meron dito. Ang bisikleta maraming klase yan eh, may " BMX ", ito ung mga makikita mong ginagamit nang mga nagbibisikleta, kadalasan ung mga nagawa ng mga tricks, tapos meron rin " ROAD BIKE ", ito naman ung RACER sabi nang iba, ung maninipis ang gulong, ginagamit sa " Tour De France " na kung saan sinasalihan nang daan o libong cyclista. Malaking event ito sa kanila, sa atin naman tinatawag itong, " Tour Of Luzon ". malayo-layong padyakan talaga. at siyempre ang " Mountain Bike " na ito ang meron ako... may iba't ibang klase rin nito.. meron tinatawag na XC or cross country bike, meron rin tinatawag na AM or all mountain, at DH or downhill bike. :) ang bawat klase nang bisikletang ito ay may kanya kanyang gamit. Yung XC para sa mga taong gustong subukin ang kung hanggang saan sila magtatagal sa pag padyak, yung AM naman susubukin nito ang lakas ng katawan mo sa tagtag at lakas ng iyong paa sa akyatan. Ang DH naman ay para sa mga taong buo ang loob, mga hindi natatakot na masaktan. At bihasa na talaga sa pagbibisikleta. Alam kong nagiging isyu ang presyo nito. Dahil hindi biro ang presyo nang mga nasabing bisikleta. Ako, nagbuo ako nang una kong bisikleta na inabot nang halos 25k. Nung mga panahon na yun sobrang namamahalan na ako, parang hindi praktikal dahil hindi naman ako sigurado kung talagang kakaririn ko ang pagbibisikleta. ginamit ko ito nang ilang buwan hanggang nagpalit na naman ako dahil hindi ko alam kung bakit.. haha... ginamit ko ulit nang ilang buwan at nagpalit na naman ako ... hindi ko na naman alam kung bakit.. para bang hangga't may nakikita kang bago ay hindi mo mapigilan ang gastos... magastos talaga siya.. kahit gusto kong makuntento na ay parang hirap na hirap ako... hangga't..... nagpalit na naman ako.. at ngayon ay nasa pang-apat na ako at sa tingin ko naman huli na ito... :) ( SANA ). Napakadaming brands, style, purposes ang bawat bisikleta kaya siguradong mahihirapan ka mag decide kung anung gusto mo. dapat nga lang may budget ka talaga para siguradong maganda ang iyong bisikleta... :) Ako man o karamihan man nang napapagastos ay siguro may dahilan kung bakit ganito kami naaadik sa bisikleta. Dahil sa tingin ko or namen ay good investment naman ito, dahil bukod sa maganda ito sa ating kalusugan, magkakaron ka rin nang maraming maraming kaibigan. :) Subukan niyong magbisikleta para maramdaman ninyon rin kung anung nararamdaman ko ngayon. :)

C I N E M A L A Y A




DINIG SANA KITA
Ito ang unang beses na ako'y nanunood nang Indi Films, nakakapanuod ako sa tv pero hindi sa CCP ( Cultural Center of the Philippines ). Pero hindi ako ganun interesado sa panunuod kasi siyempre hindi naman kilala ang mga naganap, hanggang dumating ang araw na nakapanuod ako. Ang inyong mapapanuod dito ay sumasalamin sa nangyayari sa ating pang araw-araw na buhay. Ang " DINIG SANA KITA " ang aking napiling panuorin dahil sa ito ay related sa " MUSIC ". Nasabi ko na bigyan ko nang pagkakataon ang sarili ko na masaksihan ang ganitong palabas. Ang indi film na ito ay ginanapan ni Zoe Sandejas at Romalito Mallari. Ito ay isang istorya nang dalawang taong nabubuhay sa magkaibang mundo dahil si Zoe ay isang bokalista sa banda, pasaway na anak at si Romalito naman ay isang bingi na naghahanap sa kanyang ina, makikita ninyo na hindi imposible ang magkakasundo nang dalawang tao kahit sila ay may pag-kakaiba. Sayang at marami pa sana akong gusto panuorin kaso dahil simpleng araw ito ay hindi pwede dahil mayroon rin akong obligasyon sa aking pamilya, trabaho, simbahan atbp. sana maglabas nang dvd nito para mapanuod niyo rin ito. Sana bigyan natin nang pagkakataon ang mga indi films, malaking bagay ang ginaganapan nila sa buhay natin bilang pilipino. tandaan nating ang lahat nang malaki ay nagumpisa sa maliit. kaya't ating tulungan ang ating mga kapwa pilipino na nahihilig sa ganitong mga bagay, suportahan natin sila. SALAMAT CINEMALAYA.

G U L O N G - G U L O





Gulong Ng Palad

Haaaay.... isang araw na naman ang magdadaan sa buhay nang bawat pilipino... Anu na naman kaya ang naghihintay para sa bawat isa sa atin? panibagong pagsubok... panibagong karanasan at mga bagong bagay na matututunan.

Bakit nga ba tayo dumarating sa ganitong pagkakataon? sabi nga nila ganyan talaga ang buhay nang tao... parang " GULONG" lang yan, minsan nasa ibabaw ka minsan nasa ilalim, nagkakabiruan pa nga minsan bakit ganito? hindi na ata umiikot ang gulong... flat ata? ganyan ang mga biruan nang mga nakararanas nang hirap.

Minsan magtatanung ka rin eh, bakit kung sino pa ung gumagawa nang hindi maganda sila pa ang nakalalasap nang sarap nang buhay... at kung sino pa yung nagsisikap at pursigidong magtrabaho ay siya pang nahihirapan. Kaya kung ating iisipin hindi rin natin masisisi ang mga taong ito na kung bakit sil nagiisip nang hindi maganda para lamang kumita. Sabi nga rin nila, " PERA " ang nagpapaikot sa buhay nang tao. Mahirap man tanggapin pero yun ang totoo. Lahat dumidepende sa pera, para mabuhay.. pera.. pera... pera..

Nakakalungkot man isipin ganito na talaga ang nangyayari, nababawasan pa ang pananampalataya nang bawat isa sa Panginoon dahil sa hirap nang buhay. Kasi sabi nila... " Bakit ganun? hiling kami nang hiling pero hindi naman niya binibigay. " marahil marami sa atin ang ganyan rin ang kasagutan. Ang Diyos ay andyan lamang nakikinig sa atin, pero nasa tao pa rin ang gawa. Walang imposible sa Panginoon, patuloy lamang tayong maniwala at maging malapit sa kanya at darating ang panahon maiintindihan natin kung bakit tayo nakakaranas nang ganitong klaseng mga pagsubok.

P I N T U R A




" We Paint Your Car Like New... Not Newly Painted. "


Sinong mahilig sa Auto ang hindi nakakakilala sa sticker sa likod nang mga auto na may " J "?
Sinong hindi nakakakilala kay " Kuya Jo ". Sinong hindi maniniwala sa convincing powers niya? Ilan auto na ba ang ginawa niya? Ilan pa ba ang hindi pa?

Matagal tagal na rin akong nahilig sa auto, nagumpisa sa KIA hanggang naging Honda. Dati akala ko marunong na ako tumingin nang maganda sa hindi, tiwala na ko sa paningin ko para masabi kong maganda ang isang auto. Hanggang pumasok sa isip kong magpakulay nang auto, ang dami nagsabi " Dun ka kay kuya jojo matindi yun! " oh inuulit ko... " MATINDI " hindi matan... :) oOpS! :) hehe.. eh di nagpunta na nga ako sa kanya, pagpasok mo pa lang sa opis niya, bubungad na sayo ang isang katutak na trophy at certificates nang pagkakapanalo sa mga carshow. Bihira ka makakita nang 2nd place, naglalaro lang sa Overall Champion at 1st place. san ka pa? kaya hindi ako nagdalawang isip na magpagawa sa kanya. Maraming nagsasabing " Mahal " siya sumingil. At hmmmm... nakita ko nga yun... medyo mahal siya sumingil.. PERO nung natapos na ang aking auto... Doon ko naintindihan ang sinasabi niyang " MEDYO MATAAS NGA AKO SUMINGIL PERO HINDI MO PWEDE IKUMPARA ANG TRABAHO KO SA IBA. " lalo't nang ako'y magkaroon nang dalawang trophy na.. " Best In Paint " At " Best Japanese Made Car " sa First Bacoor Motorshow. Ang sarap nang pakiramdam diba? :) at dun ko naintindihan at natutunan at pagtingin sa magandang auto, kasi kahit sa tingin mo ay maganda na ang isang sasakyan PERO pag sinabi ni kuya Jo na hindi maganda para sa kanya, abah! magbabago ang pananaw mo. haha! :) Ibang klase ang Mata nang Mat...inding si kuya jojo. Yun ang babayaran mo sa kanya. Umasa kayong kapag sinabi niyang " Akong bahala " huwag ka nang mangamba dahil siguradong maganda ang kahihinatnan nito. Hanggang naging kaibigan na rin namen siya, sama-sama sa Kwentuhan, Fudtrip, Biking, Tawanan, Inuman Atbp. :) Tara punta na para makilala mo siya!

THREE THUMBS UP. Woot! Woot!

For More Info Visit Us: #38 CRM Avenue, Barangay Almanza Uno, Las Pinas City
805-8518 /9AM - 6PM

O N E M O R E C H A N C E





" SANA AKO NA LANG ULIT "
Sinong pinoy, pinay, bata, matanda, may itlog o wala ang hindi nakapanuod nang pelikulang ito? Marami akong napanuod na mga tagalog love story movies mula pagkabata ko, maraming mga tagalog na magaganda katulad nang " All My Life " starring Aga Muhlach and Kristine Hermosa, Mga Aga at Regine na movies atbp. Hindi ko alam kung bakit ganito katindi ang pelikulang ito. Bakit kahit ulit-ulitin ko hindi ako nagsasawa. Kahit alam ko naman kung anung pagkakasunod sunod nang mga scenes at ang mga linya na sinasabi ng mga cast sa pelikula. hahaha! :) ayos dba? Siguro sadyang magaling ang lapat nang mga linya, pagdi-direk, pag-arte ng mga cast sa pelikulang ito. Ibang klase ang pakiramdam, para bang nalutang ka sa clouds? haha! :) parang kahit araw-araw mo pinapanuod ay nararamdaman mo pa rin ung pagka-inlab at naiiyak ka pa rin sa napapanuod mo kahit alam mo naman na yung mangyayari. ang kulet! Ang dami ko rin kaibigan na hindi ko inakalang magugustuhan ang pelikulang ito, kasi kilala ko sila na hindi mahilig sa mga tagalog movies. Kasi asteegin ang dating, yun pala malambot rin nung napanuod ang pelikulang ito. nakakagulat na mula pirated at original na cd, Dvd at Blue Ray ay meron silang copy. ayos di ba? :) Kaya sana huwag natin usigin ang pag gawa ng pelikula ng mga pinoy. Hindi ung puro pagsasabi na gaya-gaya lang tayo sa mga banyagang pelikula. Bigyan natin nang pagkakataon ang sariling atin. Wala naman mawawala, masasayahan ka pa. Kaya salamat kay Popoy At Basha sa isang magandang pelikulang ito. Si Sandara Park pabalikin na nang Korea dahil nakakairita lang siya! ( Oops! Sorry sa mga fans niya. ) haha! One More Chance ( Three Thumbs Up! )

Dyan Ka Magaling






Note:
I took this piciture ( again ). Wala dapat isipin sa tricycle at sa taong nakasakay dito.
sinama ko lang siya dahil Motor nga yung topic.
ayos ba?
APIR! :)



.Motor Nang Buhay.


Prang pang pang pang pang!!! yan ang tunog nang motor sa umaga habang nagpapainit nang makina. Madilim pa ay gising na para maagang makaalis papunta sa trabaho, eskwelahan, palengke at kung saan-saan pa.

Kung ating mapapansin sa ngayon ay napaka dami nang nagamit nang " motor ", sabi nga nila parang epidemia lang, sa bilis nang pagtaas ng mga taong nagamit nito. Marahil tayo'y hindi na nagtataka kung bakit marami nang nagamit nito. Una, sa mahal nang gasolina, iwas sa bigat ng trapiko, pwedeng hulugan etsetera etsetera etsetera. Ilan lamang ito sa mga benepisyo nang pag gamit nang motor, pero hindi ba natin naisip kung anung kapalit nang mga ilang benepisyo nito sa atin?

Kung iyong mapapansin kaliwa't kanan ang pagbabalita sa aksidente sa motor. sabi nga nang iba, " Nakatumba na yan eh, tinayo mo lang. " araw-araw na ginawa nang Diyos puro aksidente ang iyong mababalitaan, namatay si ganito, sumalpok sa ganyan at marami pang iba kagaya nang pagmomotor nang naka-inom, walang helmet atbp. Ayon pa sa aking pagkaka alam mula sa aking napanuod ay 25% nang aksidente sa kalsada ay nagmumula sa motor, at 54 na kaso na ang namatay mula January hanggang April lamang ha sa pagmomotor. eh panu pa ngayon? August na? Marami ka rin kasing makikitang pasaway sa mga nagmomotor, kagaya nang pag singit kapag traffic, pagpapatakbo nang mabilis ( pasikat ba kamo? ) , karera, yung pang iba ginagawang kotse, diba dalawahan lang ang motor? unless may sidecar ito, pero bakit may nakikita ako na buong pamilya? klasik! nakakita ako, lima sila, mag-asawa at tatlong anak na nakaupo sa gitna habang ang nagmamaneho ang kanilang ama at sa pinakalikod naman ay kanilang ina na tanging mga naka helmet at ang tatlong anak ay bahala na. Nice! Hindi ba nila naisip na paano kung may mangyaring hindi inaasahan dba? nag-iingat nga sila, paano naman kung ang makakabunggo sa inyo ang hindi nag-iingat? Hindi naman masamang mag-isip nang mga negatibong bagay pero sana maging handa lang tayo sa mga posibilidad na pwede mangyari. iba na ang handa.


Sana maging aware ang mga nagmomotor sa nangyayari sa ating paligid, hindi yung hataw dito, hataw doon! mahirap yung ganyan, daig mo pa yung kasabihan na kapag nagpulis ka yung isang paa mo nasa hukay na. Maging masunurin sana lahat sa batas, katulad nang pagsusuot nang helmet, iwasan ang pagpapasikat atbp. siguro sa ganitong paraan ay makakaiwas o makakabawas sa pag-aalala ang inyong mga mahal sa buhay, malaking bagay sa kanila ang mapalagay ang kanilang loob. Sumunod lang sa tama, para sa inyo rin naman ito. kaya huwag manghinayang sa gastos sa pagbili nang mga safety gears, di naman araw araw ang pagbili nito, minsan lang at buong buhay mo naman ang poprotektahan.


Saturday, August 15, 2009

Noontime Man





Wil-lie R-evil-lame


Sino nga ba itong si Willie Revillame? Papi sa iba? Pare / Pareng Willie na lang ang ika niya.

Bakit ba siya nasasangkot sa ganitong mga kontrobersiya? Bakit sa kabila nang lahat nang tulong na ginagawa niya ay batikos at masasakit na salita ang kapalit nang kabutihang pinapakita niya...

Ang daming bagay na aking naririnig, nababasa at napapanuod sa tuwing aking bubuksan ang telebisyon. kagaya na lamang nang pagiging " bossy " niya sa mga kasama sa " Wowowee ". Mayroon rin ang pagbabastos niya sa mga contestant, katulad nang lumabas sa " Youtube " na ang pagbundol-bundol niya sa suso nang contestant. At bakit bago ka niya bigyan nang pera ay dapat ka muna niya gawing katatawanan o sa madaling salita ay pahiyain. Ilan lamang ito sa mga sinasabing katiwalian na ginagawa ni willie sa kanyang mga katrabaho at mga taga-hanga.

Paano naman ang kanyang mga nagawang " kabutihan " ? Katulad na lamang nang pagbibigay niya nang Dalawang Milyon piso na " sinasabi " niyang binigay sa kanya ito nang hindi nagpakilalang tao na maaaring makakatulong sa kanya, na ang resulta nang ginawa niyang pamumudmod ng nasabing pera ay batikos na yun ay pera niya rin o galing sa nasabing kapamilyang estasyon na ( ABS-CBN ).

Bakit ganito? Bakit sa kabila nang mga kontrobersiya patungkol sa kanya ay marami pa rin naniniwala sa kanya? kagaya nang mga matatanda na halos naglulupasay sa tuwa kapag siya ay nakikita at nagkakandaiyak naman sa pagtatanggol sa kanya sa mga binabatong kontrobersiya. bakit? anu ba merong itong taong ito? bakit ang aking sariling ina'y hindi kayang palagpasin ang isang araw na hindi ito mapapanuod? Na minsa'y nabanggit nang aking lola Nene na ito ay nagsisilbing " Theraphy " para sa kanila. Anu raw?


Ako ay isang masugid na taga-hanga ni " JOEY DE LEON ". Bilib ako sa kanyang angking talino sa pagsulat nang mga letra sa kanta, mabilis na pag-iisip nang mga hirit na palaging nauuwi sa pagsigaw nang mga tao na " Joey! Joey! Joey! ", at marami pang iba. Ang lahat nang aking sinabi patungkol sa mga pagbabatikos kay willie ay aking nasaksihan. hindi lamang narinig sa sabi-sabi o kung anuman.

Naniniwala ako na sa kabila nang lahat ng batikos na kanyang pinagdadaanan ay bukas ang puso niya sa pagbabago. Maraming tao ang hindi siya naiintindihan, pilit siyang pinapaalis sa sinasabi niyang buhay niya ang " Wowowee " pero kung yung taong kanyang naagrabyado ( Aquino Family ) ay nagsalita na at nagpasiyang siya ay napatawad na, Kung ang Diyos nga ay nagpapatawad tayo pa kaya? Sana huwag natin siyang husgahan na para bang wala na siyang pag-asang magbago. Ipag-dasal na lamang natin siya, upang siya ay maliwanagan at upang ating maunawaan na ang hangad rin niya ay magpasaya at tumulong sa bawa't isa.




SO FARR. SO GOOD.


> SO FARR SO GOOD <

No other contestants deserve to win more than this amazing beauty and very talented young lady, Frencheska Farr… So please vote for her… Just type … NBS Frencheska… and send it to 2344 for globe, TM and sun……367 for smart and talk n text… Be globally smart,….Vote for the right one… Vote for Frencheska… Thanks!

Tama ba yung narinig ko?


Note: The women in this picture is not ” chismosa “. I just took this picture accidentally. I think it’s just a perfect one for my blog. :P

Are we born for CHISMIS?

Talaga bang likas na sa ating mga pilipino ang maging Chismosa’t Chismoso? Hindi ko maintindihan pa minsan kung bakit sa dami nang pwedeng gawin eh ito pa ang naisipan gawin nang karamihan.

Napansin ko lang na ito ay walang pinipiling estado sa buhay mahirap, may-kaya, mayaman… walang pinipili. bakit ba tayo ganito? hindi ba natin naiisip na maraming magagandang bagay ang maaaring masira dahil dito?

Marami na rin beses sa aking buhay na ako’y sinubok nang ganitong klaseng pagkakataon. Ilan beses na ang aking pangalan ay napasama sa usap-usapan nang ibang mga tao. bakit? dahil ba ako’y sikat? sila ay nai-inggit? o sadyang wala sila magawa sa buhay?

Sana maisip nang bawat-isa na ito’y walang patutunguhan at dapat nang tigilan. Mas maraming bagay sa mundo na dapat pag-usapan at bigyang aksyon. Hindi yung paguusapan natin ang buhay nang may buhay. anu naman ngayon kung nakita mong ganito ang kanyang itsura, ginagawa… etc. etc. etc. ?

Tayo’y manahimik na lamang at kung talagang ikaw ay sadyang hindi makapagpigil sa pangingialam sa iba, eh mabuti pang ipagdasal mo na lamang sila para sila naman ay malinawagan sa kung anung dapat nilang gawin. Sigurado akong sa ganitong paraan eh mas magiging maganda ang samahan at pakikitungo natin sa bawat-isa.

Wala ata tayo sa tono




B O S E S

May boses ba ang bawat isa? Marami tayong nalalaman, marami tayong inaalam, pero nasaan ang iyong boses? kapag ikaw ay nakakita nang isang pangyayari maganda man ito o hindi, may pagkakataon ka bang magsalita at marinig nang iba para ikaw ay pakinggan? Maraming pagkakataon sa buhay nang bawat isa na ganito ang kinahihinatnan.

Sa aking nakikita, maraming mga tao ang dapat bigyan nang sinasabing " BOSES ". Maraming maliliit na boses ang dapat bigyan nang mikropono upang marinig nang nakararami. Marami rin mga " BOSES " na ang taas ay walang kasing tining at wari mo'y nangingibabaw sa lahat pero sa taas ng " BOSES " ay wala naman sa tamang tono para ito'y pakinggan at namnamin ang bawat letra na sinasabi.

Sana Dumating ang panahon na ang " BOSES " na maliliit ay mapansin. Hindi mabubuo ang kagandahan nang isang sulat, pahayag, musika sa iisang tono lamang.